Heavy rainfall warning, inanunsiyo ng PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayon sa inilabas na Heavy Rainfall Warning No. 9 ng DOST-PAGASA ngayong Enero 10, 2025, alas-11 ng umaga, isang Red Warning ang ipinatupad sa Sorsogon dahil sa inaasahang malubhang pagbaha sa mga lugar na madalas bahain. Tumaas din ang tsansa ng landslides sa mga lugar na madalas tamaan ng landslides.

Samantala, isang Orange Warning naman ang ipinatupad sa Northern Samar kung saan inaasahan ang pagbaha sa mga mabababang lugar at malapit sa mga daluyan ng ilog. Mayroon ding panganib ng landslides sa mga lugar na may mataas na tsansa ng pagkakaroon nito.

Sa Albay, isang Yellow Warning ang ipinalabas na nagbabala ng posibleng pagbaha sa mga mabababang lugar at malapit sa river channels.

Habang nangyayari ito, nakakaranas ng katamtaman hanggang paminsang malalakas na pag-ulan ang Camarines Sur at Catanduanes, na inaasahang magpapatuloy sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras at maaaring makaapekto sa mga kalapit na lugar.

Pinapayuhan ang publiko at mga tanggapan ng Disaster Risk Reduction and Management Offices, na patuloy na mag-monitor ng lagay ng panahon at maghintay para sa susunod na warning na ilalabas ng DOST-PAGASA mamayang alas-2:00 ng hapon. | ulat ni Emmanuel Bongcodin, Radyo Pilipinas Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us