Pinangunahan ni Finance Secretary Ralph G. Recto ang unang Executive Committee Meeting ng Department of Finance (DOF) para sa taong 2025.
Kabilang sa mga tinalakay ang mga plano at estratehiya para sa kasalukuyang taon.
Ang DOF ang pangunahing ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa maayos na patakarang piskal.
Responsibilidad nitong panatilihin ang katatagan ng pananalapi ng bansa at tiyaking epektibo ang paggamit ng pondo ng bayan, para suportahan ang mahahalagang proyekto at programa sa edukasyon, kalusugan, imprastraktura, at serbisyong panlipunan para sa mga Pilipino.
Alinsunod sa pinaunlad na Medium-Term Fiscal Program, sisiguruhin ng DOF na makakamit ng bansa ang mga layuning pangkaunlaran habang natitiyak ang kakayahan ng gobyerno na pondohan ang pangmatagalang mga proyekto.
Layunin nito na lumikha ng mas maraming trabaho, pataasin ang kita ng mga Pilipino, at bawasan ang kahirapan. | ulat ni Melany Valdoz Reyes