Nagkakaisang nananawagan ang mga opisyal ng Occidental Mindoro na magkaroon ng peace and unity sa bansa sa kabila ng tumitinding banggaan sa pulitika.
Mismong si Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano ang nanguna sa panawagan, kasabay ng suporta sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na huwag ituloy ang pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.
Ayon kay Gadiano, walang maidudulot ang ano mang pagkakahati-hati ng mga lider, kung hindi ang maaapektuhan ay ang taumbayan.
Dapat din daw sundin ang apela ni Pangulong Marcos Jr. na huwag bigyan pansin ang impeachment, dahil lilikha lamang ito ng masamang mukha sa ekonomiya ng bansa.
Sumusuporta din ang governor sa magiging Peace Rally ng Iglesia ni Cristo sa Lunes, Enero 13. | ulat ni Michael Rogas