Nagpaabot ng cake at tulong pinansyal ang OFW Party-list para kay Mary Jane Veloso na nagdiriwang ng kaniyang ika-40 kaarawan.
Ayon kay OFW Party-list Representative Marissa Magsino, simpleng paraan ito para ipakita ang suporta kay Veloso na aniya ay biktima ng pananamantala.
Matatandaan, na Disyembre 2024 ay napauwi na ng Pilipinas si Veloso matapos ang halos 15 taong pagkakakulong sa Indonesia dahil sa kasong drug trafficking.
Kasalukuyan siyang nakapiit sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.
Personal naman iniabot ng OFW Party-list sa magulang ni Mary Jane na sina nanay Celia at tatay Cesar ang kanilang ambag na handa.
“On her 40th birthday, we stand with her family and all advocates in renewing the call for justice. We are also thankful for the tireless efforts of Migrante International and Bayan Muna, who have been unwavering in their support for Mary Jane’s fight.” ani Magsino | ulat ni Kathleen Forbes