Pagtatayo ng iba’t ibang tourism infra sa buong Pilipinas, bahagi sa planong pagpapataas ng International Tourist Arrival sa bansa, ngayong 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan na ang pag-usbong pa ng maraming imprastruktura na magbibigay ng pinaka-magandang experience sa mga dayuhang bibisita sa bansa, lalo’t ngayong 2025, palalakasin pa ng Tourism Department ang kanilang mga programa, upang mas maraming dayuhan ang bumisita sa Pilipinas.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOT Secretary Christina Frasco, na mahigpit ang pakikipagugnayan nila ngayon sa mga hotel owner sa Pilipinas, para sa pagtatayo pa ng mas maraming resorts, accomodation, at hotel.

Magkakaroon rin aniya ng mga karagdagang rest areas na malinis, maganda, at mabango, sa iba’t ibang tourist desinations sa bansa.

Sampu dito ang una nang nakumpleto, 22 ang on going na, habang 60 ang itatayo pa.

Magkakaroon rin aniya ng Tourist First Aid Facilities.

“So, we are working with the Department of Health para mabigyan natin ng immediate and quality emergency assistance iyong ating mga turista, this includes island destinations such as Bohol, mayroon din tayo sa La Union that’s forthcoming and of course, we are including Boracay and several other islands.” —Frasco.

Bukod dito, ang Art Caravan ng DOT, kung saan tinatampok ang iba’t ibang destinasyon sa bansa, kabilang na ang mga beach, bundok, herritage, mga simbahan, festivals, kultura, sayaw, at iba pang ritwal o pamana, iniikot na rin ng DOT sa lahat ng rehiyon sa buong Pilipinas.

“The good news is that Philippine tourism was able to garner an all-time high in visitor revenues from our international tourists at around… over 760 billion pesos. This represents over 9% increase from our 2023 visitor revenues and a 126% recovery from the 600 billion visitor receipts in 2019.” —Frasco. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us