Puspusan din ang drainage declogging operations ng QC local government sa iba’t ibang distrito ng lungsod.
Ito’y upang maiwasan ang matinding pagbaha sakaling magkaroon ng malakas na pag-ulan.
Pinangungunahan ng District Action Offices at QC Engineering Department ang halos araw araw nang declogging operation sa mga baradong manholes at kanal na puno ng putik at basura na kadalasang ugat ng pagbaha.
Kabilang sa mga lugar na nalinis kamakailan ang creek sa Osmeña street, Commonwealth Heights, Brgy. Commonwealth; manhole sa Matalino street, Brgy. Central; manhole sa Luzon street, Brgy. San Isidro Galas; manhole sa Luzon street cor. Unang Hakbang, Brgy. San Isidro Galas; Manhole sa Queensland Subd., Brgy. Nagkaisang Nayon at ang bahagi ng GSIS at Aurigue street sa Brgy. Sangandaan.
Una na ring tiniyak ng QC Engineering Department na naka-deploy na sa bawat distrito ang kanilang mga kagamitan at sasakyan na maaaring magamit sakaling mangailangan ng disaster response at rescue operations. | ulat ni Merry Ann Bastasa
: QC LGU