Panukalang gawaran ng Philippine citizenship ang Canadian vlogger na si ‘Kulas’, aprubado na ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas nalalapit nang maging isang ganap na Pilipino ang Canadian vlogger na si Kyle Douglas Jennerman o mas kilala bilang “Kulas” ng youtube channel na “Becoming Filipino”.

Ito ay matapos aprubahan ng senado sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7185.

Sa kanyang manifestation para sa panukala, pinasalamatan ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa si Kulas sa pagmamahal niya sa Pilipinas, hindi lang dahil sa magagandang tanawin ng bansa at sa hospitality ng mga Pinoy, kundi maging sa pagtanggap rin sa ating identidad, kultura at wika.

Binati rin ni Senate President Juan Miguel Zubiri si Kulas para sa development na ito.

10 nang naninirahan sa Pilipinas si Kulas kung saan tatlong taon dito ay inilagi niya sa Cagayan de Oro.

Sa kanyang youtube channel, na mayroong higit isang milyong subscriber, tinatampok nito ang magagandang tanawin ng Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion

📸 Senate PRIB

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us