Matagumpay na nagtapos ang Dolphine XV-23 joint exercise ng Philippine Army at Indonesian Army sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan kahapon.
Ang pagsasanay ay nilahukan ng mga tropa ng First Scout Ranger Regiment (FSRR) ng Philippine Army at Komando Cadangan Strategis Angkatan Darat (Kostrad) ng Indonesian Army.
Ang closing ceremony ay pinangunahan ni FSRR Commander Brig. Gen. Freddie T Dela Cruz, kung saan kanyang pinasalamatan ang Indonesian delegation sa kanilang partisipasyon sa aktibidad.
40 Pilipino at Indonesian na sundalo ang nagsanay sa jungle warfare operations, urban operations, at sniping operations sa ehersisyo na nagsimula noong Mayo 21.
Matatandaang nagsanay ang Army Scout Rangers at kanilang mga Indonesian Counterpart sa counterinsurgency at counterterrorism operations sa Taipur Military Camp, Cilodong and Sangga Buana Training Site, Karawang, West Java, Indonesia noong April ng nakaraang taon. | ulat ni Leo Sarne
📷: OG7, First Scout Ranger Regiment, Philippine Army