Overflow rooms, bubuksan ng Kamara para ma-accommodate ang mga bisita sa SONA ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpulong nitong Lunes ang ilan sa mga kinatawan mula Office of the Presidential Protocol, Senado at Kamara para ilatag ang ilan sa paunang paghahanda para sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kabilang dito ang pagbubukas ng overflow rooms sa Batasang Pambansa.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, inaasahan na mas maraming bisita ang nais dumalo at sumaksi sa ikalawang SONA ng pangulo ngunit limitado lamang ang espasyo sa plenary hall.

Kaya naman pinahintulutan aniya ni House Speaker Martin Romualdez ang paggamit sa ilang mga silid sa House of Representatives bilang overflow room.

Ang Ikalawang SONA ni PBBM ay gaganapin sa July 24, 2023. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us