Pananatili ng mas mataas na alokasyon ng tubig sa Metro Manila hanggang Hunyo, hirit ng MWSS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na humihirit ang Manila Water Sewerage System (MWSS) sa National Water Resources Board (NWRB) na panatilihin muna ang karagdagang alokasyon ng tubig sa Metro Manila.

Kasunod ito ng nalalapit na pagpaso ng unang inaprubahang 52 cubic meters per second na alokasyon ng tubig na hanggang buwan lang ng Mayo.

Ayon kay MWSS Project Manager Engr. Patrick Dizon, nagpadala na ito ng liham sa NWRB na humihiling na ipagpatuloy ang naturang alokasyon hanggang sa buwan ng Hunyo.

Paliwanag nito, kailangan pa rin ang dagdag na alokasyon para masigurong walang lugar sa Metro Manila ang makaranas ng mahabang water interruption.

Dagdag pa nito, nananatiling mataas ang demand ng tubig sa mga customer ng water concessionaire na Manila Water at Maynilad.

Sinabi naman ni Engr. Dizon na inaasahang magkakaroon ng special board meeting bukas ang NWRB para pag-usapan ang kanilang request.

Kasunod nito, patuloy namang umaapela sa publiko na maging responsable sa pagkonsumo ng tubig. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us