Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga PhilID at ePhilID na naipamahagi na ng Philippine Statistic Authority.
Sa pinakahuling update mula sa PSA, ay sumampa na 65 milyon ang pinagsamang PhilIDs at ePhilIDs na naisyu ng PSA.
Mula sa bilang na ito, 31.2-M ang nai-deliver nang PhilIDs as of May 19 habang 33.8-M naman ang naisyung printed at downloadable ePhilIDs as of 20 May 2023.
Ayon kay PSA Undersecretary Dennis S. Mapa, wala pang isang buwan ay nasa limang milyon na agad ang nadagdag sa bilang ng mga Pilipinong may PhilIDs at ePhilIDs na.
Patuloy namang hinihikayat ng PSA ang mga nakapagrehistro na bisitahin ang https://appt.philsys.gov.ph para malaman kung maaari na silang mag-claim ng ePhilIDs.
Bukod dito, sinisimulan na rin aniya ng PSA na makipag-ugnayan sa mga may PhilID na burado na ang larawan para mapalitan ito. | ulat ni Merry Ann Bastasa