Kinilala ni Vice President Sara Duterte ang mga nakamit na tagumpay ng Anti-Red Tape Authority sa pagsugpo sa red tape sa gobyerno at pagsusulong ng digitalization.
Ayon kay VP Sara, naging daan ang pagsusumikap ng ARTA para magkaroon ng business-friendly environment na nakaaakit ng investments at nakatutulong sa mga negosyante.
Pinuri rin nito ang mahusay na pamumuno ng ARTA sa integration ng mga inisyatiba na nagtaguyod sa pag-streamline ng mga proseso at nagpabilis sa business permits at licensing.
Kabilang na rito ang business one-stop shops, unified application forms at paglikha ng technical working groups sa local government units.
Tumaas din aniya ang bilang ng nagparehistrong negosyo at lumaki ang koleksyon o kita ng LGUs.
Dagdag pa ni VP Sara, nagsisilbing inspirasyon sa ibang institusyon at ahensya ng pamahalaan ang nakamtan ng ARTA sa kabila ng mga hamon sa pagreporma sa government systems. | ulat ni Hajji Kaamiño