Ilang bahay mula sa probinsya ng Agusan del Norte, nasira dahil sa hanging habagat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinunyag ng Office of Civil Defense o OCD Caraga na may tatlong bahay ang nasira mula sa probinsya ng Agusan del Norte dahil sa malakas na hangin na naranasan nito kamakailan lamang.

Ayon kay Ronald Anthony Briol, Spokesperson ng OCD Caraga, may isang totally damaged at dalawang partially damaged houses ang naitala sa RTR at Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Nasira ang mga bahay matapos tamaan ng mga natumbang puno dulot ng hanging habagat.

Isiniwalat din ng OCD Caraga na kahit walang direktang epekto ang bagyong Betty sa Caraga region, isinailalim pa rin ang Caraga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa Blue Alert status upang mamonitor ang sitwasyon ng rehiyon dahil sa naturang weather disturbance. | ulat ni Jezreel Sudario | RP1 Butuan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us