Tiniyak ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., na hindi lamang ang inmates kundi pati ang kanilang mga personnel na naliligaw ng landas ang marereporma kasabay ng kanilang isasagawang two-day seminar sa New Conference Room, National Headquarters, Muntinlupa City simula ngayong araw hanggang bukas.
Una rito, nasa 100 officials at personnel ng bureau kabilang ang jail guards na kasalukuyang na-relieve sa kanilang trabaho ang sasalang sa seminar na mayroong temang “Leadership in Transition: Inspiring teams through change.”
Paliwanag ni Catapang, ang kanilang reporma na ipinatutupad ngayon sa BuCor ay isa raw sa mga pamanang maiiwan ng Marcos administration.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Retired Jail Senior Insp. Angelina L. Bautista na OIC-Deputy Director General for Operations na pinaigting pa ng BuCor ang kanilang kampanya laban sa pagpasok ng iligal na mga kontrabando sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) lalo na’t dalawa raw sa kanilang personnel ang nahuling tinangkang magpasok ng tobacco products sa loob ng pambansang piitan. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio