Muling nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura.
Sa kabila umano ng paulit-ulit na panawagan ng gobyerno, patuloy pa ring nagtatapon ng mga basura ang mga residente na nakatira sa tabi ng mga daluyan ng tubig.
Ang mga basurang ito ang nagpaparumi sa mga daluyan ng tubig at iba’t ibang anyong tubig na nagreresulta sa matinding pagbaha.
Binigyang halimbawa ng DENR ang nakolektang mga basura sa isinagawang clean-up drive kamakailan sa Maricaban Creek sa Pasay City, Catmon River sa Malabon City, Sementeryo Creek sa Quezon City, at isang man-made creek sa Taguig City.
Ang paglilinis ng mga daluyang tubig mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ay mahalaga para sa tuluy-tuloy na rehabilitasyon ng Manila Bay. | ulat ni Rey Ferrer