Pagsasaayos ng kable ng kuryente at tree-trimming, isinagawa sa Marikina laban sa banta ng Habagat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan ang paghahanda ng electrical team ng lokal na pamahalaan ng Marikina laban sa banta ng Hanging Habagat.

Ayon sa city government, beinte kwatro oras nang naka-standby ang mga personnel at sinisiguro rin na walang nakalaylay na kable ng kuryente.

Kaugnay nito, tinatabas din ng itinalagang personnel ang malalagong sanga ng puno upang hindi makaapekto sa linya ng kuryente at tinitiyak na gumagana ang lamp posts.

Upang maiwasan ang pagbaha, siniguro naman ng LGU ang magandang kondisyon ng pumping stations na matatagpuan sa Provident Village at Barangay Concepcion Dos.

Samantala, bukod sa pamamahala ng Marikina City Rescue 161, nakaalalay ang mga barangay para sa tulung-tulong na paghahanda ng buong lungsod.

Una rito, nag-preposition ang pamahalaang panlungsod ng rescue equipment sakaling kailanganin ng paglilikas sa mga residente.| ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us