Posibleng maihabol pa ng Kongreso ang ratipikasyon ng panukalang Maharlika Investment Fund bago ang sine die adjournment ngayong araw.
Sa naging press conference ni House Majority Leader Manuel Jose ‘Mannix’ Dalipe, sinabi nito na kung matapos agad ng Senado ang MIF at maisalang ito sa bicameral conference committee ngayong araw, ay maaari nila itong ratipikahan sa kani-kanilang sesyon mamayang hapon.
2:30 ng madaling araw nangg pagbotohan at pagtibayin ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang MIF.
Ang MIF ay isa sa LEDAC priority measure ng Marcos Jr. administration.
Sa pamamagitan nito ay lilipunin ang pondo mula sa government financial institutions o GFIs upang ipampuhunan at makakuha ng mas malaking kita na siya namang ilalaan sa mga pambansang programa at proyekto.
“On the Maharlika, we’re still awaiting, we have not yet received but we’re very much eager…If there’s a need for a bicam then we can do it tomorrow [May 31] and pass it, ratify it, before we go on sine die adjournment.” Saad ni Dalipe. | ulat ni Kathleen Jean Forbes