Muling iginiit ng Department of Migrant Workers o DMW na patuloy nilang tututukan ang unpaid claims ng OFWs na nagtrabaho sa KSA.
Ayon kay DMW Secretary Susan ‘Toots’ Ople na mula sa pag-uumpisa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na nila itong tinututukan.
Dagdag pa ni Ople na inaasahang sa susunod na buwan ay maari nang makuha ng mga OFW ang kanilang unpaid salary claims Saudi Arabia na mula pa noong 2016 at inaayos na ang technical working group sa compensation ng mga ito.
Sa huli, muling sinabi ni Ople na huwag mawawalan ng pag-asa dahil patuloy silang nakikipag-ugnayan sa kinatawan ng KSA at hanggang sa mga nakuha ito ng ating mga kababayan. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio