Mabilis na lumusot sa House Committee on Basic Education and Culture ang panukala para itaas ang “teaching supplies allowance” ng mga pampublikong guro sa bansa.
Ito’y matapos aprubahan ng komite ang substitute bill sa 17 panukala at i-adopt ang Senate Bill 1964 na counterpart measure sa senado.
Sa ilalim nito,a ng allowance para sa bawat guro ay gagawing P7,000 mula sa P5,000 para sa school year 2023-2024; at P10,000 pagsapit ng school year 2024 at 2025.
Magsasagawa rin ng periodic review sa halaga ng allowance depende sa umiiral na inflation.
Ayon kay Pasig City Rep. Roman Romulo, na siyang chair ng komite, matagal nang isinusulong ng DEPED na maitaas ang naturang allowance ngunit nagiging isyu ang alokasyong maibibigay ng Kongreso.
Una nang inaprubahan ng Senado sa third reading ang naturang panukala. | ulat ni Kathleen Jean Forbes