Atty. Hector Villacorta, itinalagang OIC ng LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinalaga ni DOTR Sec. Jaime Bautista si Atty. Hector Villacorta bilang Officer-in Charge sa Land Transportation Office.

Isang simpleng turn over ceremony ang isinagawa kaninang umaga sa tanggapan ng LTO kung saan present din si outgoing LTO Chief Asec. Jay Art Tugade.

Ayon kay DOTR Sec. Jaime Bautista, umaasa siya sa isang maayos na transition sa LTO.

Nagpasalamat rin ang kalihim sa naging dedikasyon ni outgoing Asec. Tugade at sa mga repormang itinulak nito sa ahensya.

Kaugnay nito, ipinaliwanag naman ng kalihim na napili nitong OIC ng LTO si Atty. Villacorta dahil sa kakayahan at tagal na ng karanasan nito sa gobyerno.

Sa ngayon, ipinapaubaya naman na ni DOTR Sec. Bautista sa Office of the President ang pagpili para sa magiging permanenteng hepe ng LTO.

Si Villacorta ay ang kasalukuyang Assistant Secretary for Communications sa DOTR at pormal na uupong OIC sa LTO simula bukas, June 1. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: LTO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us