Pilipinas, iginiit na hindi aatras sa pagtataguyod sa karapatan ng OFWs sa Kuwait matapos suspindihin ang working visa ng mga ito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang Department of Foreign Affairs o DFA na patuloy nilang itataguyod ang karapatan ng mga Overseas Filipino Worker o OFW sa bansang Kuwait.

Ito ang inihayag ng DFA sa kabila ng sinasabing paglabag umano ng Pilipinas sa naging kasunduan nito sa Kuwait na nagresulta sa hindi pagkilala nito sa working visa ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa nasabing bansa.

Ayon kay DFA Migrant Workers Affairs USec. Eduardo De Vega, ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin upang protektahan ang karapatan ng mga kababayan mula sa nararanasan nilang pang-aabuso sa Kuwait.

Magugunitang ibinunyag ng Interior Minister ng Kuwait ang kanilang dahilan kaya sinuspinde ang working visa ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa kanilang bansa.

Kabilang na rito ang pagtakas ng mga household worker patungo sa mga shelter nang hindi nagpapaalam sa Kuwaiti Authorities gayundin ang hindi umano maayos na pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa kanilang mamamayan.

Bagaman nagsimula nang muli ang pag-uusap ng dalawang bansa hinggil sa nasabing usapin, umaasa si De Vega na magkakaroon na ng positibong resulta at masosolusyunan na ito sa muling paghaharap sa buwan ng Hulyo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us