2 NPA, patay sa engkwentro sa Occidental Mindoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ito’y matapos na makasagupa ng mga tropa ng 68th Infantry (Kaagapay) Battalion ang tinatayang 10 miyembro ng teroristang grupo.

Kinilala ang dalawang namatay na miyembro ng NPA na sina alyas HUNTER at alyas LIZA/ MAMAY na kabilang sa Main Regional Guerilla Unit (MRGU) ng Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC).

Narekober ng mga tropa sa encounter site ang mga labi ng nasawing terorista na inabandona ng mga nagsitakas nilang kasamahan; 3 M16 rifle, mga landmine, granada at mga personal na kagamitan.

Binati ni 203rd Infantry (Bantay Kapayapaan) Brigade Commander Brig. General Randolph Cabangbang ang mga tropa sa matagumpay na operasyon, kasabay ng panawagan sa mga nalalabing miyembro ng teroristang CPP-NPA sumuko na upang hindi na muling masayang ang kanilang buhay sa walang kabuluhang pakikipaglaban. | ulat ni Leo Sarne

📷: 203IB

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us