Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na malaki ang maitutulong ng Bangkok-based business conglomerate na C.P. Group sa pagpapalakas ng agri sector at value chain ng bansa.
Pahayag ito ng pangulo, kasunod ng planong paglalagak ng $2.5 billion (US) na puhunan sa agricultural technology development ng Pilipinas.
Ayon sa pangulo, nagawa na rin kasi ng C.P. Group na mabuo ang value chain sa Thailand.
“Ang sabi nila, pinagmamalaki nila, sabi the last plant or the last farm that we organized is going – is very different from the plant that we organized before that. So, I cannot tell you if it’s a farm or a plant anymore. Agroindustry na talaga ‘yung kanilang ginagawa.” — Pangulong Marcos
Positibo ang pangulo na kaya rin ito sa Pilipinas, lalo’t maganda ang workforce ng bansa.
Mayroon rin aniyang angkop na mga lupain ang Pilipinas, magagaling ang mga scientist, agriculturist, at mananaliksik sa bansa bukod pa ang highly experienced agronomist nito.
“We have all the elements but these elements do not seem to be in place right now. So that’s what we are trying to do is to put all those elements together and they can help us dahil nagawa na nila. At again, when it comes to – they are very aggressive when it comes to the new technologies.” —Pangulong Marcos.
Tulad aniya ng agresibong hakbang ng C.P. Group sa Thailand, lalo na sa usapin ng pag-adopt ng makabagong teknolohiya, nais ng Marcos Administration na maging ganito rin kabilis ang galaw at pag-unlad ng agri sector ng bansa.
“So the reason being that pagka five years, three years later, they are going to build another plant. They use all the new technologies so naiwanan na ‘yung nakaraan. That’s where we want to be. That’s how quickly we want to be moving and how agile we would like to be.” — Pangulong Marcos | ulat ni Racquel Bayan