Masagana Agri Roadmap, inaprubahan ni Pangulong Marcos Jr.; Pagbibigay prayoridad sa farmers’ welfare consolidation, ipinagutos rin ng Pangulo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP) na layong maabot ang pinakamataas na rice sufficiency level sa pamamagitan ng implementasyon ng iba’t ibang istratehiya.

Sa naging convergence meeting kasama ang mga opisyal ng National Irrigation Administration (NIA), siniguro ng Pangulo na kayang maisakatuparan ang pagpapaigting ng agricultural production.

Tiniyak rin ng Pangulo, na bibigyang prayoridad ang kapakanan ng mga Pilipinong magsasaka.

“Kaya natin ginagawa ito, hindi lamang para mapakain natin ang buong Pilipinas pero para pagandahin natin ang buhay ng ating mga magsasaka – disente naman ang buhay nila, mapag-aral nila ‘yung mga anak nila,” — Pangulong Marcos.

Pagbibigay diin ng Pangulo, kaya ng mga ito na mapalawak ang kanilang kakayahan o pumasok sa iba pang economic activities.

Ang dapat aniyang gawin ng pamahalaan ay ibigay ang oportunidad at suporta sa mga magsasaka.

“So, the importance of consolidation is key. That really is the first step. We cannot do all of the other things that we want to do hanggang ma-organize natin ang mga farmers natin,” — Pangulong Marcos.

Binanggit rin ng Pangulo ang ilan pang inisyatibo upang tulungan ang mga ito, tulad ng pagtatag ng ilang kapabilidad na magpapaigting sa agriculture productivity.

Maging ang pag-adopt ng bagong farming technology, at digitalization.

Mahalaga ayon sa Pangulo ang konsolidasyon at organisasyon ng mas maraming kooperatiba para sa kanilang capital requirements.

Sa pamamagitan kasi aniya ng convergence, ang mga asset, resources, funding, at ng mga teknolohiya ay mas mabilis na magiging available para sa mga magsasaka.

“So, the importance of consolidation is key. That really is the first step. We cannot do all of the other things that we want to do hanggang ma-organize natin ang mga farmers natin,” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us