Minority solon, suportado ang senate version ng MIF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta si House Senior Deputy Minority Leader Paul Daza sa ipinasang bersyon ng Senado ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Sa isang presser, sinabi ni Daza na bagamat hindi pa sila nakakatanggap ng final copy ng bicameral conference committee report ng MIF, may ilang probisyon sa Senate version na kaniyang sinusuportahan.

Isa na rito ang pangangailangan ng legislation o batas sakaling naising itaas ang capitalization fund ng MIF.

Sa bersyon kasi aniya ng Kamara, sakaling nais dagdagan ang funding ng MIF ay sasapat na ang approval ng Maharlika Board at Office of the President.

Inaasahang sa sesyon ngayon hapon ay raratipikahan na ang bicam version ng MIF na isa sa priority legislation ng Marcos Jr. Administration. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us