DOTr, kumpiyansang mapaiigting ng maintenance provider ang operational efficiency ng MRT-3

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala ang Department of Transportation (DOTr) na magagampanan pa rin nang maayos ng itinalagang maintenance provider ang tungkulin nito sa Metro Rail Transit (MRT)-Line 3.

Sa ginanap na contract signing ceremony para sa MRT-3 Rehabilitation Project Extension, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na inaasahan nilang paiigtingin ng Sumitomo Corporation ang operational efficiency ng railway system.

Ito’y sa pamamagitan ng paggamit ng four-car train-sets mula sa kasalukuyang tatlo na magbibigay ng ginhawa sa mga pasahero.

Binigyang-diin ni Bautista na sa paglagda ng maintenance agreement ay tinitiyak na laging nasa pinakamagandang kondisyon ang railways at naitataguyod ang kaligtasan at ginhawa para sa commuters.

Mataas ang kumpiyansa ng kalihim sa Sumitomo bilang ito ang original designer, builder at initial maintenance provider ng MRT-3.

Mananatili ang Sumitomo bilang maintenance at rehabilitation provider hanggang July 2025 kasama ang technical partner nito na Mitsubishi Heavy Industries.| ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us