Foreign at local investors, nagpapahayag na ng interes na mamuhunan sa MIF, ayon kay Senador Mark Villar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinida ng sponsor ng Maharlika Investment Fund Bill sa senado na si Senador Mark Villar na ngayon pa lang ay marami nang bansa ang nagpapahayag ng interes na mamuhunan sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Ayon kay Villar, may mga bansa nang nagpapaabot ng pagnanais na mag-inevest sa MIF dahil nakikita nilang malaki ang potensyal ng Pilipinas at masigla ang demokrasya sa ating bansa.

Naniniwala ang senador na sa paglipas ng mga taon ay mas marami pang mga bansa ang magkakainteres at mamumuhunan sa Pilipinas sa pamamagitan ng MIF.

Sinabi rin ng mambabatas na marami na ring business groups ang nagtatanong sa kanya tungkol sa pamumuhunan sa MIF at naghihintay na lang na maisabatas ito bago sila tuluyang mag-commit na mamuhunan.

Binigyang-diin ni Villar na malaking tulong sa pagpapadami ng job opportunities sa Pilipinas ang investments na idudulot ng MIF.

Sa inisyal na pagtaya ng National Economic and Development Authority (NEDA), inaasahang 350,000 na trabaho ang malikiikha sa tulong ng Maharlika fund.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us