Bigtime rollback sa presyo sa LPG, sasalubong sa unang araw ng Hunyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Good News dahil magpapatupad ng bigtime rollback sa presyo ng kanilang Liquified Petroleum Gas (LPG) ang iba’t ibang oil companies simula sa unang araw ng Hunyo.

Epektibo alas-12:01 ng hatinggabi ang ipatutupad ang mahigit Php 6.00 rollback ng mga kumpaniyang Petron at Phoenix sa kanilang LPG.

Php 6.20 ang rollback ng Petron sa kada kilo ng LPG o katumbas ng Php 68.20 sa bawat 11 kilogram cylinder ng kanilang Gasul.

Ang Phoenix LPG naman ay may Php 6.10 na rollback o katumbas ng Php 67.11 kada 11 kilos na tangke nito.

Ang Caltex, may Php 6.18 na rollback para sa kanilang Solane o katumbas ng Php 67.98 sa kada tangke epektibo ala-6 ng umaga sa unang araw din ng buwan.

Kasunod nito, mayroon namang Php 3.47 na rollback sa kada litro ng Auto LPG ang mga kumpaniyang Petron at Phoenix.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us