Zubiri, kumpiyansang malulusutan ng MIF ang mga pagkwestyon ng Korte Suprema

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala si Senate President Juan Miguel Zubiri na kayang lusutan ng naaprubahan nilang Maharlika Investment Fund Bill ang “test of judicial scrutiny” ng Korte Suprema.

Ayon kay Zubiri, nangyayari namang may kumukwestiyon sa mga naaaprubahang batas ng kongreso at hindi malabong mangyari ito sa Maharlika Investment Fund sakaling maisabatas ito.

Pero naniniwala ang senate president na matibay ang ginawa nilang mga probisyon sa MIF bill para makapasa sa anumang pagkwestiyon sa kataas-taasang hukuman.

Itinuturing ng senador na tagumpay ng senado ang Maharlika Investment Fund Bill dahil ginawa aniya nila ang lahat para magandang bersyon ng panukala ang kanilang maipasa.

Aniya, marami silang inilagay na safeguards para masiguro na hindi maaabuso ang pinapanukalang pondo.

Pahayag pa ni Zubiri, maaring ipaglaban sa plaza miranda ang MIF bill dahil sa dami ng safeguards, na maging ang senate minority bloc aniya natuwa dahil inilagay nila ang lahat ng kinakailangang para maprotektahan ang MIF sa anumang pang-aabuso. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us