Binigyang papuri ng 8888 Citizen Complaint Center ang Energy Regulatory Commission (ERC) para sa mabilisang pagtugon nito sa mga complaint ng mula sa 8888.
Ayon kay ERC 8888 focal person Consumer Affairs Service Acting Director Gregorio L. Ofalsa na karamihan sa mga tinugunan ng ERC ay ang billing issues electricity reconnection, meter readings, pole relocation at power interuption.
Ayon naman kay ERC chairperson Atty. Monalisa Dimalanta na bagamat hindi gaanong karami ang kanilang tauhan sa ERC ay magpapatuloy parin itong tumugon sa reklamo at concerns ng mga konsyumers sa iba’t ibang power utility sa bansa.
Kaugnay niyo dagdag pa ni Dimalantala na isa sa nais nilang palakasin ang pagtangap ng mga naturang mga complaints sa ilalim ng automated Consumer Complaints Ticket ID System (CCTS) program ng ERC partikular sa mga web based applications tulad ng messenger, viber, at skype.
Samantala nagpasalamat naman si Chairman Dimalanta sa 8888 sa pagbibigay papuri sa ERC at nangako itong isisulong nito ang kapakanan ng consumers at pag-regulate ng elektrisidad sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio