Amyenda sa National Cultural Heritage Act of 2009, isinusulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ni Pinuno Party-list Representative Howard Guintu ang House Bill 8422, na layong amyendahan at palakasin ang National Cultural Heritage Act of 2009.

Kasunod na rin ito ng sunog na tumupok sa makasaysayang Manila Central Post Office Building.

Ayon kay Guintu, layon ng panukala na tutukan ang conservation ng national historical landmarks upang maiwasang maulit ang insidente.

Sa ilalim nito titiyakin ang katatagan ng naturang mga gusali at isailalim sa retrofitting nang hindi babaguhin ang orihinal nitong itsura o disenyo.

“This unfortunate and tragic incident that hit one of our heritage buildings is a great setback to the conservation of our nation’s cultural heritage. By mandating the retrofitting of heritage buildings and structures to conform to current structural safety and fire prevention standards, we would be able to preserve more of our historical landmarks for future generations.” paliwanag ni Guintu

Sakop nito ang iba’t ibang national historical landmarks, sites at monuments pati heritage buildings na rehistrado sa Philippine Registry of Cultural Property.

Ang National Historical Commission of the Philippines ang mangugnuna sa pagbuo ng panuntunan para sa pagpapatupad ng panukalang batas, at paglalaanan ng P100 million na paunang pondo. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us