Welcome kay Senate Committee on Basic Education Chairperson at Senador Sherwin Gatchalian ang pakikipag-partner ng Department of Education (DepEd) sa public-private partnership center para matugunan ang classroom backlog sa bansa.
Ikinagalak din ng senador na climate-resilient classrooms ang bubuuin ng DepEd sa pamamagitan ng PPP.
Giit ng senador, nararapat lang ang pagpapatayo ng mga climate-resilient buildings bilang nananatili ang Pilipinas bilang isa sa mga pinaka-disaster-prone countries sa mundo.
isa pang solusyon na maaari aniyang i-explore pa ng pamahalaan ay isang counterpart program kung saan ang mga lokal na pamahalaan at ang national government ay magkahati sa responsibilidad sa pagpapatayo ng mga silid-aralan.
Pinunto ni Gatchalian na noong 2024, iniulat ng DepEd na nasa 1,855 na paaralan ang naapektuhan ng iba’t ibang kalamidad.
Hindi aniya sapat ang quick response fund (QRF) para sa rehabilitation at reconstruction ng mga silid-aralan. | ulat ni Nimfa Asuncion