NEDA, tiniyak sa international business community ang pagtugon sa mga problema sa labor at industry sectors

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng National Economic and Development Authority (NEDA) na gumagawa na ng hakbang ang gobyerno upang tugunan ang mga suliranin sa labor at industry sectors sa bansa.

Sa kanyang pagharap sa international business community sa isang forum, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na inihahanay na ang education systems at upskilling programs sa pangangailangan ng pribadong sektor.

Natalakay sa German-Philippine Chamber of Commerce and Industry Inc. Luncheon Forum ang mga hamon sa social, economic at may kaugnayan sa polisiya sa bansa na isa-isang sinagot ni Balisacan kabilang ang kakulangan sa skilled workers.

Ipinunto ng kalihim na nag-ugat ang problema sa mismatch sa pagitan ng industry demands at skills mula sa educational at training institutions.

Ilan aniya sa konkretong solusyon ang pagpapabuti sa access sa oportunidad sa pamamagitan ng apprenticeships, at pamumuhunan sa Technical and Vocational Education and Training programs.

Bukod dito, binanggit ni Balisacan ang potensyal ng aktibong kolaborasyon sa pribadong sektor at industry associations dahil maaari silang sumuporta sa education at training institutions sa pagtukoy sa skill gaps. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us