Economic team, makikipagdayalogo sa mga MUP hinggil sa panukalang reporma sa pension system ng mga ito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng economic team ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na komited silang sa pagsasagawa ng “dialogue” sa lahat ng Miltary Uniformed Personnel (MUP) upang masiguro na maipararating ang direktiba ng Punong Ehekutibo.

Ayon sa Department of Finance, nais ng pangulo ang concensus ng lahat ng stakeholders at participatory policymakers ukol sa panukalang reporma sa pension system ng MUPs.

Sa isinagawang dialogue ng economic team sa mga miyembro ng Philippine Airforce, ipinaliwanang ni DOF Undersecretary for Fiscal and Monitoring Maria Cielo Magno ang balanse at patas na pension system na pakikinabangan ng MUPs habang iniingatan naman ang pangkalahatang fiscal health ng bansa.

Anya, patuloy nilang tatalakayin ang usapin sa hangarin na kilalanin ang kontribusyon ng mga uniformed personnel at pagbibigay ng sapat na oportunidad sa mga susunod na henerasyon ng mga sundalo.

Nanawagan din si Magno sa airforce na unawain ang panukalang reporma upang maintindihan ang rationale ng mas “secure at predictable” na pension system.

Paliwanag niya, ang “forced savings” sa ilalim ng panukala ay upang gawin itong “fiscally sustainable” at hindi nakadepende sa pambansang budget.

Sa kasalukuyan kasi na sistema, walang kontribusyon ang MUPs sa kanilang pension system dahil ito ay kinukuha kada taon sa national budget. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us