Ibinida ng National Economic and Development Authority na maraming foreign investors ang nagpakita ng espesyal na interes sa mga repormang ipinatupad ng Pilipinas upang manghikayat ng mamumuhunan.
Ayon sa NEDA, natalakay sa German-Philippine Chamber of Commerce and Industry Inc. Luncheon Forum ang epektibong implementasyon ng Ease of Doing Business Act at mga hadlang sa pagpasok at operasyon ng foreign business at investments.
Naging masigasig anila ang foreign investors sa policy developments na inilatag ng gobyerno.
Ipinresenta ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan ang iba’t ibang infrastructure projects at investment policy reforms gaya ng Build-Better-More program, development targets at pag-amyenda sa Build-Operate-Transfer Law.
Paliwanag ni Balisacan, napabuti ng mga hakbang na ito ang investment environment ng bansa sa pamamagitan ng pagbubukas ng key sectors at paglilinaw sa mga agam-agam sa polisiya na naging dahilan ng pagdadalawang-isip ng investors.
Bukod dito, binigyang-diin ng opisyal ang mahalagang papel ng public-private partnerships sa mga proyekto sa harap ng limitadong fiscal space. | ulat ni Hajji Kaamiño