Inihain ni KABAYAN party-list Rep. Ron Salo ang House Bill 11424 o Overseas Filipino Bank Act, na layong rebisahin ang charter ng Overseas Filipino Bank.
Nilalayon ng panukala na tugunan ang pinansyal na pangangailangan ng mga Pilipino na nagtatrabaho at naninirahan abroad.
Dito, ang OFBank ang magiging primary digital bank para sa mga overseas Filipinos at kanilang pamilya.
Mahalagang hakbang aniya ito lalo na at maraming mga Pilipino ang umaasa sa remittances pero, limitado naman ang access.
“It’s crucial that we harness the power of digital banking to provide Overseas Filipinos with seamless, secure financial services while promoting greater financial inclusion. We should ensure that their hard-earned money and support will reach their families back home, no matter where they are in the world,” ani Salo.
Sa pamamagitan ng panukala ay gagawing mas abot kaya ang remittance at abot kamay ang credit o pautang at bubuo ng banking products na swak sa pangangailangan ng mga overseas Filipinos.
Itatakda rin nito ang capital stock ng bangko sa ₱10 billion kung saan ang kalahati ay nakareserba para sa mga overseas Filipinos at kanilang pamilya.
Nakasaad din sa bagong charter na sa kita ng OFBank kukunin ang welfare at reintegration program para sa mga OFW.
“By passing the Overseas Filipino Bank Act, we are not just improving banking services; we are empowering the lives of millions of Overseas Filipinos. This is our way of giving back to those who have sacrificed so much, ensuring they have the tools to build a brighter, more secure future—for themselves and for their families,” pagtatapos ni Salo. | ulat ni Kathleen Forbes