Magdodoble-kayod ang pamahalaan para maibalik sa karaniwang dalawa hanggang apat na porsyento ang inflation rate ng bansa simula sa susunod na taon.
Ayon kay Socioeconomic Planning Undersecretary Rosemarie Edillon, ito ang target hanggang sa 2028 na katumbas ng paglaki ng populasyon at pagtaas ng consumer demand.
Wala na aniyang inaasahang pangyayari na magpapabago sa projection at sasabayan lamang ang demand sa pamamagitan ng pagpapaangat sa produksyon.
Idinagdag ni Edillon na itataguyod ang layunin ng Philippine Development Plan na itaas ang kita at kakayahang kumita ng mga Pilipino pati na ang pagpasok ng investments na lilikha ng trabaho.
Bukod dito, nakalatag na ang komprehensibong plano na hindi lamang lalabanan ang inflation kundi tutugunan din ang employability.
Sa pamamagitan ito ng skills training programs at pagsusuri sa kasalukuyang sistema ng basic education. | ulat ni Hajji Kaamiño