Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na magpapakalat sila ng nasa 15,000 mga kuwalipikadong guro upang magsilbing Principal ngayong taon.
Bilang pagtalima na rin ito ng DepEd sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng isang Principal ang bawat paaralan makaraang makaranas ito ng matinding kakulangan.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, nagsilbing “eye opener” sa kanila ang usapin dahil maraming paaralan sa bansa ang tumatakbo nang walang nagsisilbing taga-timon.
Target ng kagawaran na maabot ang 1:1 Principal to School ratio sa susunod na taon sa pamamagitan ng promosyon sa may 5,870 na mga guro.
Batay sa year 2 report ng 2nd Congressional Commission on Education (EDCOM II), lumalabas na 55 porsyento ng mga paaralan ang nag-o-operate na walang Principal. | ulat ni Jaymark Dagala