Party-list solon, ipinasasama sa 3-year registration validity ng LTO ang mga lumang motorsiklo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela si 1 Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez sa LTO na isama na rin ang mga lumang motorsiklo sa ipinapatupad nilang tatlong taong bisa o validity ng lahat ng mga bagong motorsiklo sa bansa.

Kung matatandaan, nagdesisyon ang LTO sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. JMT-2023-2395 na payagan ang mga motorsiklong may makina na 200cc pababa na makakuha ng tatlong taong validity para sa kanilang rehistro.

Personal nang nagpadala ng liham ang kinatawan sa LTO upang i-apela ito.

Aniya makakabawas umano ito sa bayarin at abala sa mga riders lalo na ang sektor na binubuo ng app riders o yung mga food at delivery service riders.

Marami kasi aniya sa kanila ang hindi na nagpaparehistro dahil sa kakulangan sa budget lalo na yung mga nasa probinsya.

“…income generating din ito sa panig ng LTO dahil marami na ang hindi nagpaparehistro dahil sa kakulangan ng budget, lalo na yung mga kagulong natin sa mga probinsiya, pero kung papayagan sila sa napakagandang hakbanging ito ng LTO ay maraming lumang motorsiklo ang mae-engganyo na magparesistro” paliwang pa ni Gutierrez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us