Para kay Senador JV Ejercito, dapat na mas pagtuunan ng pansin ang pagpapasigla ng ekonomiya ng Pilipinas kaysa sa ano mang away pulitika…
Ikinababahala kasi ng senador na posibleng tuluyan nang maungusan tayo ng bansang Vietnam, dahil base aniya sa datos na nakuha ng senador ay posibleng pumalo sa 8 percent ang gross domestic product (GDP) ng Vietnam ngayong taon.
Ayon kay Ejercito, kapag nangyari ito ay maaaring ma-reclassify ang Vietnam bilang emerging economy at sa kanila magpuntahan ang mga foreign investment imbes na sa ating bansa.
Kaya naman iginiit ng senador, na dapat nang mas pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pagpapabuti ng ating ekonomiya at paghihikayat sa mga dayuhang mamumuhunan, partikular ng mga imprastraktura at energy sector ng bansa.
Nilinaw ni Ejercito na wala siyang sinisisi o pinapanigan sa tensyon sa pulitika sa bansa.
Sadya aniyang nanghihinayang lang siya sa mawawalang oportunidad sa Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion