Pagpapatupad ng Financial Management Information System sa mga tanggapan ng pamahalaan, iniutos ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-isyu si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang Executive Order na nag-aatas sa government offices kasama na ang mga nasa lokal na pamahalaan na magpatupad ng financial management information system sa mga ginagawa nitong transaksyon.

Sa ilalim ng EO 29 na may pamagat na “Strengthening the Integration of Public Financial Management Information Systems, Streamlining Processes na nag-aamyenda sa EO 55 ay saklaw din ang mga GOCC para sa implementasyon ng integrated financial management information system.

Ang pag-iisyu ng nasabing Executive Order ay bahagi ng pagsisikap ng administrasyon na mapaganda pa ang takbo ng burukrasya sa pamamagitan ng isinusulong na digitalization na naglalayong mas mapabilis at maging episyente ang paghahatid ng serbisyo sa publiko.

Bahagi ng direktiba ng pangulo ay ang paglikha ng Public Financial Management Committee na bubuuin ng mga kinatawan mula sa DBM, Finance Department, COA, at Bureau of Treasury.

Bahagi naman ng magiging trabaho ng PFM Committee ay ang bumuo ng five-year plan para sa development at implementasyon ng integrated financial management information system na naka-link sa national government agencies. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us