Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Makati ang Mobile Learning Resource Hub sa Makati Elementary School.
Pinangunahan ni Makati City Mayor Abby Binay ang ceremonial launching nito ngayong araw.
Ayon kay Binay, bahagi ito ng inisyatibo ng Makati LGU para mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga kabataan.
Sa pamamagitan ng Mobile Learning Resource Hub, ipapamahagi ang mga libro at educational resources sa mga komunidad lalo na sa mga lugar na malayo sa silid-aklatan.
Dagdag ng alkalde, layunin nito na hikayatin ang mga mag-aaral na magbasa at itaas ang literacy rate sa lungsod. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.
📸 Makati City LGU/FB