UP Diliman, may ilang paalala sa mga kukuha ng UPCAT 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng ilang paalala ang University of the Philippines Diliman Campus sa mga estudyanteng kukuha ng UP College Admission Test (UPCAT) sa Sabado at Linggo, June 3-4, 2023.

Matapos ang tatlong taon ay ngayon nalang ulit gaganapin ang UPCAT kung saan inaasahang aabutin ng 33,000 ang examinees kada araw.

Magsisilbing testing centers ang ilan sa mga academic building ng UP Diliman mula 5:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Paalala nito sa mga examinee, maging pamilyar na sa mga testing center.

Dapat ring dumating ang examinee 30 minuto bago ang umpisa ng pagsusulit.

Kailangan ring bitbit ng mga ito ang orhinal na hard copy ng kanilang Test Permit, School ID o anumang government-issued ID, maging ang iba pang kakailanganin sa exam kabilang ang magandang kalidad ng lapis, Eraser, Snacks at tubig, at pati na ang Face mask at sanitizer.

Magkakaiba rin aniya ang temperatura at ventilation sa mga testing room kaya mainam kung magdala na ang mga ito ng jacket.

Ngayong araw ay nakapaskil na rin sa paligid ng UP Diliman Campus ang traffic advisory at pati na ang mga lokasyon ng testing halls para sa gaganaping UPCAT 2024. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us