Puspusan na ang pagkilos ng National Government, katuwang ang league of provinces of the Philippines, mga siyudad at munisipalidad, at mga lokal na pamahalaan upang maibaba sa mga probinsya at iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga oportunidad para sa mga Pilipino.
“Marami na tayong mga programa na nakalatag para dito at ito ay idudugtong na natin sa mga Local Government Comprehensive Development Plans kaya magkakaroon sila ng mga ispesipikong Local Poverty Reduction Action Plan na babalangkasin naman natin kasama ang ating mga local government units at ang mga basic sectors.” — Santos
Pahayag ito ni National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Lope Santos III, sa gitna ng decongestion efforts ng gobyerno sa Metro Manila.
“Sila ang mas higit na nakakaalam [kung] ano iyong mga pangangailangan noong kanilang mga constituents at kailangan nating i-encourage din iyong ating mga kababayan at bigyan ng opportunity na doon na sila magkaroon ng mga trabaho, magkaroon ng mga serbisyo – doon mismo sa kanilang sari-sariling bayan at nang hindi na sila pumunta pa sa Metro Manila at sa iba pang mega cities.” — Santos
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na dapat lamang na maisulong ang development sa bawat probinsya at munisipalidad upang hindi na kailangan pang lumuwas ng Maynila ang publiko.
Sa kasalukuyan, ang poverty incidence ng bansa ay nasa 18.1 percent pa.
Target ng Marcos Administration na maiibaba ito sa 8.8% hanggang 9% sa taong 2028.
“Nananawagan tayo sa ating mga kababayan na tayo ay magtulungan at nangsagayun ay sama-sama nating harapin itong pagbangon at pagbaka sa kahirapan. Ito ay whole-of-nation approach, whole-of-society approach, whole-of-government approach; sama-sama po tayong lahat.” — Santos | ulat ni Racquel Bayan