Amendment sa IRR ng Magna Carta of the Poor, posibleng malagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ngayong buwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) na malalagdaan ngayong buwan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang proposed amendsment para sa implementing rules and regulations (IRR) ng Magna Carta of the Poor.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni NAPC Secretary Lope Santos III na nasa final stages na ang binalangkas na IRR.

Idinetalye na aniya kung papaano ipatutupad ang Magna Carta of the Poor, paano ang formulation ng National Poverty Reduction Plan hanggang sa mga aksyon ng LGUs, kaugnay sa pagpapababa ng antas ng kahirapan sa bansa. Nakapaloob na rin aniya dito kung papaano ipatutuppad ang limang fundamental rights, partikular ang sapat na pabahay, health programs, edukasyon, sapat na pagkain, at empleyo. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us