Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Good news sa mga motorista dahil may aasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ang kinumpirma ng source ng Radyo Pilipinas mula sa oil Industry players, posibleng pumalo sa 50 hanggang 80 sentimos ang maging rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Habang posible namang maglaro mula 10 hanggang 40 sentimos ang maging rollback sa presyo ng kada litro ng diesel.

Ayon naman kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Director, Rino Abad, maging sa kerosene ay malaki ang posibilidad na magkaroon din ng hindi kalakihang bawas presyo sa kada litro nito

Kadalasang nag-aanunsyo ng kanilang price adjustment ang mga kumpaniya ng langis tuwing Lunes habang ipinatutupad naman ito tuwing Martes. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us