Kaagapay Trilateral Exercise ng US, Pilipinas, at Japan, gagamitin ng PCG upang ipamalas ang mga natutunan mula sa dalawang bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Gagamitin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Kaagapay trilateral exercise katuwang ang Coast Guard ng Amerika at Japan, upang magpasalamat at ipakita sa mga ito ang mga natutunan ng bansa sa mga isinagawang balikatan sa mga nakalipas na taon.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni PCG Vice Admiral Rolando Punzalan Jr., na malaki ang naitulong ng Japan at US sa pagpapaigting ng kakayahan at kapabilidad ng PCG.

Ayon sa opisyal, ang mga barko na gagamitin sa exercise ay mga naging output ng partnership ng pamahalaan ng Pilipinas at ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Nagsimula kahapon (June 1) ang balikatang ito at tatagal hanggang ika-7 ng Hunyo, na layong palakasin ang koneksyon ng tatlong bansa sa pagsasagawa ng maritime law enforcement activities at search and rescue.

Tinatayang nasa 500 US Coast Guard personnel ng Estados Unidos, Pilipinas, at Japan ang lumalahok sa pagsasanay. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us