Sinuspinde ng 90 araw ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng chief operating officer ng ANGKAS na si George Royeca.
Sa ulat ng LTO, may kaugnayan ito sa nag-viral na road-blocking motorcade ng ANGKAS riders sa Cainta, Rizal noong Pebrero 2.
Sa isinagawang imbestigasyon, inako ni Royeca ang responsibilidad sa paglabag ng motorcycle riders.
Makikita sa video ang pagharang ng ANGKAS riders sa mga motorista sa intersection ng Cainta upang makadaan ang kanilang motorcade. | ulat ni Rey Ferrer