Hindi bababa sa anim na migrant workers offices ang target itayo ng Department of Migrant Workers (DMW) sa iba’t ibang panig mundo, upang mailapit pa sa Overseas Filipino Workers (OFW) ang serbisyo ng gobyerno.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na kung pahihintulutan ng budget, posibleng maiakyat pa sa walo at sampu ang opisinang maitatayo ng gobyerno, para umalalay sa mga OFW.
Sa kasalukuyan, nasa 41 isang migrant workers offices na ng Pilipinas, ang nakakalat sa buong mundo.
“We plan globally to open more migrant workers offices. We opened three new ones in 2024 – in Bangkok, in Vienna and in Budapest, Hungary. So, we plan to open at least six and it can go up to eight and even ten kung the budget allows. So, we plan to open up at least six new migrant workers offices worldwide. Right now, it’s 41 in all.”—Cacdac.
Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na dito sa Pilipinas, palalakasin rin nila ang regulasyon para naman sa accomodation facilities ng mga recruitment agency.
Sisiguruhin aniya nila na makatao at above standard ang kalidad ng mga accomodation na iaalok sa mga OFW.
“Iyong mga accommodation facilities ng overseas workers, lalo na ng kasambahay dito, we plan to further regulate them. Iyong mga recruitment agencies kasi operates accommodation facilities. So, we plan to further regulate para dapat makatao, above standard ang accommodation.”—Cacdac. | ulat ni Racquel Bayan