Hindi pa dapat magpakampante ang mga taga-Quezon City kahit bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Paalala ng lokal na pamahalaan, kailangang patuloy pa ring sundin ng publiko ang ipinapatupad na health and safety protocols upang maging ligtas sa virus.
Ayon sa OCTA Research, unti-unti nang bumababa ang bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Mula sa 151 cases ay bumaba na ito sa 124 ngayong linggo. Bumaba rin ang positivity rate sa 22.2% mula sa 27.2%.
Ang Reproduction Number (R0) ng Quezon City ay 0.98 namas mababa kumpara sa 1.07 noong nakaraang linggo.
Batay sa huling tala ng Quezon City Epidemiology Disease and Surveillance Unit, nasa 688 na lang ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Matatandaang muling tumaas ang aktibong kaso ng COVID-19 noong nakalipas na buwan ng Abril ngayong taon na umabot sa mahigit isang libo. | ulat ni Rey Ferrer